Brushing-Up on the Continuously Evolving Tagalog Language

New Trends in Tagalog Informal Writing

By Nancy Factura-Ampil with Ace Alvarez

Toronto, Ontario — My wife, Front Page Philippines TV Host, Gie Alvarez, and I are sharing with you one note sent to us by our niece, Nancy Factura-Ampil, which, we found pleasure in reading and made us smile all throughout, especially because of the humor incorporated in her letter — including the play on words picked from English, the old Tagalog language in formal compositions and the informal street-coined Tagalog words that have continuously evolved the Tagalog language — in the same manner that other languages do.

Nancy Factura-Ampil (Click Photo to enlarge)

Nancy Factura-Ampil (Click Photo to enlarge)

I apologize to my non-Tagalog speaking readers as I will not even attempt to translate Nancy’s writing. I will certainly get lost in translation.

Here and there, Nancy’s note contained “Jejemon” — a pop culture phenomenon in the Philippines, where the younger Filipinos subverted the English language to the point that their elders could not comprehend, and which the former usually used in text messages.

Nancy’s letter follows:

“Bago ako maging hilong-talilong na naman sa kahektikan ng sked ko ngayong papasok ang Disyembre, mag-email na kaya ako sa mga paborito kong Titas & Titos (di naman sumisipsip ha… totoo naman talaga yan). Speaking of Disyembre, di lang po Pasko ang inaatupag ko ngayon. Reviewer for 2nd Trimestral Exams ni Buch (Dec 1-4); parents’ recollection (Dec 4); birthday ng mabait kong honey (Dec.5); First Confession ni Buch (Dec.6); First Communion ni Buch (Dec 11); 17th Anniversary namin ni honey ko (Dec.11); HighSch. Batch Xmas Party (Dec 11) and so on, and so forth. Kung meron lang totoong ‘genie in a bottle’ ang 3 wishes ko ay: isang clone ko para gawin lahat ng gawaing bahay, isang clone ko para umattend sa mga school activities ni Buch at i-review sya sa exams, at syempre ang last wish ko is makapag-relax naman and pamper myself. Simple lang po ano? No material things (wink emoticon)

“Disyembre na naman… syempre ang unang iisipin ay….SHOPPING!!! At kapag shopping ang paguusapan, ang katawan ko ay parang Girl Scout — Laging Handa, hehehe. Yung bulsa ko lang ang hinde (grin emoticon). Anyway, pwede namang subukan mag shop (lift, toink! ) … or mag window shop or to shop talaga -if the price is right :)) Alam nyo ba, nakayanan ng byuti ko rumampa sa Divisoria nung Monday kasama ang nanay ng BFF ni Buch. Siksikan! As in parang may Exodus ang mga tao sa buong kalakhang Maynila para sa super sale/ discounts dun. Na imagine nyo na ba ang loob ng lata ng sardinas? Ganun kasikip ang Divisoria at ganun kalagkit ang ipapawis nyo dun na parang tomato sauce ng sardinas, pramis :)) Mura talaga ang bilihin pero mapapa MURA (@#*% ka talaga sa sari saring maeexperience mo dun. Nung una, akala ko kung sino si Te Pelina na tinatawag nila… yun pala shortcut yun ng “Ate, pili na. ” Dun mo rin makikita yung original na practice na pinapagpag ang pera sa mga paninda na parang feather duster lang ang binayad mo. Dami ding Vietnamese na hindi marunong magtagalog ang may mga pwesto dun. May Chinese. May Pinoy. May amoy … Ilang oras na paikot-ikot dun, may amoy na rin ako… bwahaha. Bigyan ko kayo ng idea kung gano kamura talaga…

  • single fitted sheet w/ 2 pillow cases = P135
  • 1dozen ladies (SOEN) panties = P300 (25 pesos each!)
  • V-neck undershirts for Ongkel = P75 ea. (ang ganda ng quality, mas maganda pa sa Hanes)
  • 25 pieces gift wrappers = P55
  • 100 pieces gift tags = P9

“Kakabaliw ano?

“This weekend, rarampa ang byuti ko sa walang kakupas-kupas na Greenhills Shopping Center. (Naaalala nyo pa ba ang Greenhills & Virra mall? Malaking pagbabago na.) Bargain din pero, ibang level na ‘yan…. bargain ng mga may-kaya … hahaha!!! Syempre pag pamilya ang bibilhan ng regalo hindi pang-Divisoria diba? Hindi naman “choosy” ang pamilya (si Daddy at Mommy ko pa, eh walang kaartehan yan! Branded or hindi, oks lang) pero … ispeyshal lang talaga sila kaya ganun. Si Pong lumaki kasi sa ‘branded’ yan, kaya hindi rin pwede pang-Divi ang regalo. Altho, okay lang siguro kasi anlaki na rin ng pinagbago ni bunsoy. Brief nga ang hiniling nya last year sa’kin eh….hahaha! Si Me-Ann na napaka-humble at walang ka-artehan din, mahihiya ka rin magbigay ng from Divi. (kasi ang mga bags nya ay genuine na pwedeng itulad sa mga bags nila Paris Hilton.)

“Siguro ang next email ko will be ….. after the holidays na with matching pictures na yun! Sa ngayon, tinapos ko ang labada at plantsahin para bukas start na gumawa ng reviewer ni Buch. Haaaay naku, parang board exams na naman. Tataas na naman ang BP. Magma-migraine na naman. Di ko naaalalang ginawa ng nanay ko sa’kin ito a! Walang mga reviewer-reviewer. Bakit kaya ganon? Parang mas mahirap kasi ang lessons ngayon eh. Grade 2 lang, meron nang Multipication & Division. Grabe ang child stress dito sa Pinas lalo kung naka-enroll sa eskwelang mataas ang standards. Ako yung naiiyak pag nakikita kong 6/10 ang score sa quiz. Passing score kasi yun. Pag 5/10, bagsak na yun. Na-i-stress din syempre si Buch sa’kin pag sinabi ko sa kanya… ‘Buch, give me a perfect score in your Math quiz ha?’ Tatawad yun… ‘Mom, pwede up to 2 mistakes?’

“O cya, cya…. sisibat muna ako. Hectic talaga. Basta, rule no. 1 … Dapat ma-maintain ang beauty lagi (in any situation)…. hahaha!!!

Love, love, love to all… peace on earth (grin emoticon).

‘ning

***

To connect with Ace Alvarez on Facebook, PRESS HERE.

Back to Top

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: